Sunday, November 28, 2010

Sayang na pagmamahal.

Hindi pa ako nakapagmove-on 100 percent sa kanya dahil sa tuwing pinag-uusapan namin siya ni Seigfrey nalulungkot ako.Alam ko mali itong nararamdaman ko, pero wala akong magawa may natitira pa rin akong pagmamahal sa kanya.

Alam mo yung masakit? Hindi niya ako minahal. Oo naging kami, pero last year ko lang nalaman na hindi niya talaga ako minahal, hindi niya ako sineryoso. Ang sakit! Dahil after all those times, lahat ng luha ko, lahat ng pagmamahal na ipinakita ko sa kanya ay nasayang lang.

Wala na daw pag-asa para magbago siya, sayang. Sayang talaga.

Ang hirap talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao, dahil kahit 3 taon na ang lumipas may natitira ka pa ring pagmamahal sa kanya.

There are just some things that you thought was perfect but in the end, it never was.

No comments:

Post a Comment