Meron akong barkada simula noong kagitnaan ng school year ng SECOND YEAR. PEro ngayong 3rd Year medyo lumalayo na dahil sila-sila na lang ang magkakasama-sama. Tawag kasi namin sa grupo namin ay SSLGG, meaning SHANNEN, SHENG, LOUISE, GLEI, GRACE. Ako si Sheng, pero lumayo na ako sa kanila tiyaka lagi namang sila SHANNEN,LOUISE,GLEI AT GRACE ang magkakasama at mostly ayaw ko kasama si Louise. Ayaw ko talaga (MINSAN). Feel ko tuwing nasa room ako pag maingay o nagpapatahimik ako sumasampitaw siya kumbaga parang nagpapatama at natatamaan ako. Ayaw ko din ugali niya, masyado siyang mayabang,patama at yung sobran siya sa pagiging TOTOO(HINDI PLASTIK). Oo siguro tama yung maging totoo ka, pero hindi lahat ng bagay ay dapat mong i-BULGAR sa harap ng isang tao. Dapat i-lugar mo sarili mo at mga sinasabi mo. Siya na rin ang laging kasama nila SHANNEN,GLEI AT GRACE. Kaya naman nila na wala ako. Sila na yung bagong group of friends.
Kaya ako ngayon, pansin na ito ng iba na sumasama ako sa ibang tao(maitatawag din na kaibigan). Mas okay na siguro ito para naman mabago rin, mas nakaka-focus nga ako sa studies ko. Mas kaya kong amging independent, mas kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Tiyaka para sa akin masaya ako ngayon dahil nakaka-bonding ko yung iba’t iba kong classmate, kahit minsan nakakalungkot ang walang kausap,masasanay din ako. Sabi nga nung sa RECOLLECTION, kahit iwan ka na nga mga kaibigan mo, nandiyan pa rin ang pamilya mo hindi ka iiwan dahil kadugo mo sila at mahalaga ka para sa kanila kahit anong gawin mo.
 
No comments:
Post a Comment